April 14 nung huli tayong magtipon-tipon dito. Noon ay inilahad ko sa inyo ang lahat ng nasa aking damdamin sa pagkakabasura ng Presidential Electoral Tribunal sa kahilingan ko na sana ay maipagpatuloy ko ang protesta ni FPJ. Ang taning layunin ko noon ay malaman ang tunay na nangyari at kung papano tinatrato ang mga boto nating lahat, hindi lang po para sa akin, hindi lang po para sa aking pamilya, kung hindi para sa ating lahat na lumahok at bumoto sa araw ng halalan upang piliin natin kung sino ang ibig nating mamuno sa atin. Mayroon po tayong kanya-kanyang pinili. So ito po ay ginawa ko hindi lamang para sa bumoto kay FPJ, kundi para din sa kani-kanilang mga ibinoto… kaya lang, hindi tayo pinagbigyan. Nalungkot po ako noon sapagkat kailan po natin malalaman ang katotohanan. Lumipas po ang panahon, nanahimik po ako. Katulad ng sabi ng mga nakakaalam sa …, it was legal but not moral. Life must go on. Sinikap ko na gawin ang pang-araw-araw na dapat kong gawin, tulad ng isang mabuting mamamayan. Sinunod ko lahat ang mga batas. Sinunod ko kahit laban sa loob ko, kahit nakikita ko na na in spite of our economic state, our financial crisis, personal and business crisis, pinilit tayo whether we like it or not na nadagdagan ang ating VAT. Ganunpaman, sabi ko, kung lahat kayo ay nakakatiis, bakit hindi siya bigyan ng pagkakataon. Ngunit anong isinukli niya? Arogante siya. (applause) Hindi niya isina-alang-alang ang damdamin ng nakararami. Manhid. (applause) June 6, tulad ninyong lahat, nagulat na lamang ako. Dun pa man din sa Malakanyang inilabas ang dalawang discs. Hindi ko hinanap yun. Hindi oposisyon ang nakahanap nun. Kundi marahil ay naibigay sa akin yung kasalukuyang ipinaglalaban ko ang protesta ni fpj. Dininig ng langit ang aking panalangin (applause) kasama ng iba’t ibang… Langit ang humusga na may karapatan tayong malaman ang katotohanan. (applause) Para sa ating mga Pilipino, mahalaga ang karapatan nating piliin ang ibig nating mamuno sa atin. (applause) Sagrado ang ating mga boto sapagkat yan ay karapatang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno, pinagbuwisan nila ng buhay, ipinaglaban nila ang ating karapatan at nanindigan sila para makamit natin ang ating kalayaan. (applause) Tuwing araw lamang ng halalan na tunay na lahat tayo ay pantay-pantay, mayaman man o mahirap. Tig-isa-isa lang tayo ng boto kaya yun ay sagrado. (applause) Nakalulungkot at nakagagalit ang kasalukuyang pangyayari. Noon ang sumusupil sa ating karapatan at nanlalamang sa atin ay ang mga dayuhan na sumakop sa ating bayan. Ngunit sa kasalukuyan, ang nanlalalamang at kumikitil ng ating mga karapatan ay sarili nating kalahi at kadugo. (applause) Nagpahayag si Mrs. Arroyo noong Lunes ng gabi. Labis akong nalungkot sa aking nakita at narinig. Napa-isip ako, nadagdagan ang mga katanungan sa aking diwa. Sorry daw at kinausap niya ang isang Comelec Commissioner. Kasalukuyan pang nagbibilangan noon. Alam niya yun. Alam niyang bawal yun. Alam ng lahat ng mga kandidato bawal yun. Perong ginawa niya, nilabag niya ang batas. At yun ay inilihim niya. At kung hindi pa lumabas ang tape, kailanman ay hindi natin malalaman. Kay tagal din niyang nanahimik. Kay tagal din niyang pinag-isipan, aaminin ba niya o hindi? Na boses niya ang boses ng babaeng nasa tape? Bakit? Bakit napakatagal niyang nag-intay? Dahil may higit siyang mabigat na pagkakasala na ibig niyang ilihim at ibig pa tayong muling isahan. Yun ang pinag-uusapan nila, at ayaw at bawal ito na ating marinig, ang pandaraya. (applause) Mrs. Arroyo, habang pinagmamasdan kita sa yung paghingi ng paumanhin sa amin, sa taumbayan, kitang kita ko sa iyong mga mata, hindi nanggagaling sa iyong puso ang iyong paghingi ng sorry. (applause) Kitang-kita ko sa iyong mga mata na ibig mo na naman kaming isahan. (applause) Pinaiikot mo na naman ang batas para sa iyong personal na interes, para ilihim ang katotohanan. May kasabihan tayong mga Pilipino, ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. (applause) Hindi ko matatanggap ang iyong sorry. (applause) sinira mo ang pagtitiwala ng mga kababayan mo sa’yo. (applause). Wala kang karapatan na mamuno (applause). Remember mrs. Arroyo, before foreigners, before investors can trust you, you must first have the trust of your countrymen which unfortunately you have lost (applause). You have embarrassed the Filipinos enough. There is nothing we can find that we can be proud of that you have done for us from your day one to the present. (applause) You are full of empty promises. Obviously, you have no love for your country. (applause) the gravest thing that you have done is you have stolen the presidency, not once but twice. (applause)
Q&A
(you call for GMA’s resignation?)
yes, that is the most honorable thing she can do at present.
(handa na ba kayong mamuno if people ask you to lead their campaign for arroyo’s resignation?)
ang press conference na ito ay tungkol sa pinaglalaban natin sa katotohanan. Ayoko pong haluan ito ng pulitika. Ayokong haluan ito ng partisan politics.
(bunye said we must put to closure on the issue? Opposition said forgive with retributions?)
for your first question, sec. Bunye said that. I believe that is the administration’s problem right now. So it’s not for me to answer. You better ask them. As far as the retribution is concerned, again we have to consult people in the legal field. And other than that, it is our countrymen who can best decide her fate. Remember, laws were made for the majority, most especially for the oppressed, to protect them, not to abuse them.
(if gma resigns, who would you endorse to take her place?)
I am just like you, an ordinary citizen. Again I would say, it’s for the majority to decide.
(gma announced that mike will leave the country?)
that’s a personal decision of the couple. As for me, in my marriage, I don’t agree to it.
(kelan po kayo gagawa ng malaking rally para ibagsak si arroyo?)
wag niyo pong lalagyan ng di tamang pananalita ang aking bibig. Iisa lang ako, ordinaryong mamamayan tulad ninyo. Wala akong maipagmamalaking puwersa. Ngunit kung may mangunguna at depende kung kailan, handa ako.
(is mike’s flight tantamount to guilt?)
I don’t meddle with problems of the couple.
(you are calling for the immediate resignation of GMA?)
yes. She has done enough damage to our country. She has put our country and our countrymen to shame.
(wala raw intention si gma mag-resign, sabi ni bunye. Ano action niyo?)
ipadinig niyo yan sa nakararami, tingnan natin kung anong sagot nila. Oo, sasamahan ko sila.
(if gma resigns, noli will take over based on constitution. Agree kayo?)
sa mga nakikita ko, na kahit na mali ay kinakampihan, ano ang maisasagot mo?
(ano ang magiging role mo if gma resigns?)
kagaya ngayon ng role ko, isang simpleng mamamayan, kasama ninyo.
(do you favor military-junta?)
hindi ako ang makapagsasabi niyan. Hindi ko ginusto na magkaganito ang ating sitwasyon. Wag nilang isisi sa mga taong katulad ko na ibig lamang ipahayag ang tunay niyang niloloob at ang kanyang damdamin. Hindi natin alam kung kailan pa magkakaroon ng pagkakataong ito.
(no preference sa next option, snap election?)
ang mga bagay-bagay na ganyan ay hindi ipinagsasapalaran. Yan ay pinag-aaralan. Sa ngayon, marami nang pag-aaral. Iba’t ibang grupo na ang nag-aaral kung anong makabubuti sa ating bayan.
(message to arroyo?)
I don’t give unsolicited advice.
(will you endorse snap elections?)
hindi dahil sa dumi ng nakaraang halalan, sino ang mamahala ng snap elections.
(so paano papalitan ang pamahalaan?)
again, I would say, there are plans, different plans …
(what if majority asks you to lead campaign against gma?)
depende sa pagkakataon at mga pangyayari.
(so you’re open to it?)
malalaman niyo na lang. Ang importante ay magkakasama ang lahat ng taong bayan.
(kasama po ba ang people power sa pinaplano?)
hindi ko alam.
(are you calling people to go the streets?)
pinauubaya na sa amin ang lahat. Hindi tayo bulag. Hindi tayo tanga. Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako. Umpisahan mo, tatapusin ko.
(naumpisahan niyo na po, saan na ’to tutungo?)
atat na atat ka, ikaw ang mag-umpisa.
(were you able to listen to the tape before malacaƱang brought it out?)
katulad ng sinabi ko kanina, sabay-sabay nating nakita at narinig mula sa malacaƱang.
(saan hahantong itong nangyayari ngayon?)
yun din ang matagal ko nang itinatanong, saan ba tayo patungo.
(wala pang malinaw na kasagutan?)
I’m searching in my mind, and I just .. left wondering each day.
(gma said sakripisyo na yung pag-alis ng kanyang asawa)
hindi ko alam ang kasaysayan ng kanilang pagmamahalan.
(mensahe to fpj loyalists?)
ayaw ko silang tawaging loyalista ni fpj. Sila po ang ipinaglaban at naging dahil na si fpj ay lumaban sa nakaraang halalan. Para sa inyo, tuloy po ang laban.
(handa ba kayo to call for civil disobedience?)
makakarating tayo diyan. Tingnan natin kung gaano katigas ang ulo ng ating pangulo.
(handa ba kayong makausap si garcillano?)
alam mo ba kung nasaan siya?
(after edsa 1, edsa dos, anong option maibibigay niyo sa taong bayan?)
- nasa taumbayan ang pagpapasya. Naranasan nila ang edsa 1, edsa 2, at nagkaroon ng edsa 3. May nagbago ba? So naging leksyon yan para sa atin. Kailangan suriin natin sa ating mga isip kung ano ba ang gusto nating klase ng pamumuno.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment